top of page

LITERARY

Words: Marry Grace Dela Cruz

Sa tuwing ako’y napapagod, nariyan ka

Sa ligaya at lungkot naging katuwang kita

Saksi ka sa mga luha na pumatak sa’king mga mata

Ikaw ang nagpapasaya sa mundo kong hindi mapinta.

 

Araw-araw dinadalaw kita. Sobrang saya nating dalawa

Niyayakap mo ako sa malamig mong presensya

Salamat dahil kaibigan kita,

Handang dumamay sa tuwing ‘di ko na kaya.

 

Ngunit noong ikaw ang may kailangan

Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya

Ngunit ako’y itinaboy mo na parang walang pinagsamahan

Pagkakaibigan natin saan na napunta?

 

Dumaan ang mga araw, binisita kita

Sa tagpuan kung saan lagi tayong nagkikita

Hinanap kita ngunit wala ka na

Nasaan na kaibigan ang iyong presensya?

 

Nabalitaan ko ang iyong paglisan

Binalikan kita sa ating tagpuan

Pagbalik mo'y aking hinihintay

Nagbabakasakali na bumalik ka

Bumalik sa dati mong kaanyuan.

bottom of page