top of page

LITERARY

Words: Khryzztine Joy S. Baylon

Sa puso mo’y puno ng hinanakit

Walang sinumang tao ang maakit

Sapagkat ayaw nilang maranasan ang sakit

Na sa puso mo ay nakaukit

 

Kailan mo nga ba matatanggap?

Na siya’y wala na at naglaho na sa ulap

Kasama ang babaeng minahal niya hanggang alapaap

Dahilan ng pagbagsak ng iyong pangarap

 

Galit at poot ang iyong nadarama

Wag mo na sanang patagalin pa

Pagkat sa puso mong nagkadurug-durog na

Ay may handang pumulot at buuin ka.

 

Kasiyahan ay mahahanap mo balang araw

At ang dilim sa iyong puso ay magkakailaw

Na siyang magbibigay liwanag at taglaw

Sa pagtira mo ng payapa dito sa mundong ibabaw.

bottom of page