top of page

LITERARY

Words: Khryzztine Joy S. Baylon

Ilang beses ng sinalanta

Ilang beses ng nagdusa

Hindi ka pa rin nadadala?

Matakot ka na sa inyong nakikita.

 

Nilupig ng bagyo ng paulit-ulit

Kinuyom niya tayo na parang pilipit

Napiga na parang damit

Naghirap na tayo dahil sa paghagupit.

 

Naisip mo na ba na ito’y kabayaran

Sa lahat ng nagawang kamalian

Ito ba’y ganti ng kalikasan?

Oh parusa sa atin ng Maylalang?

 

Gising na kaibigan

Ituwid ang libo-libong kabaluktutan

Lutasin na ang mga kamalian

Sa isang matalinong paraan.

bottom of page