LITERARY
Words: Khryzztine Joy S. Baylon
Nakakapanibugho, nakakapagngitngit sa galit, sukdulang murahin mo siya mula sa dulo ng kanyang buhok hanggang sa paa. Pero aminin mo sa kabila ng nanglilisik mong mga mata at umaapoy mong puso sa galit ay may kinikimkim kang poot sa iyong puso, gusto mong umiyak at humagulgol na parang batang nadapa habang naglalaro. Dahil ang makita mo siyang may kapiling ng iba ay animo’y tinamaan ka ng sibat sa iyong puso na siyang pumuputol sa iyong paghinga.
Minsan naisip mo na ring ipakulam siya. Na magkaroon sana ng pigsa ang noo at pisngi niya. Na kung sakaling kumakain man siya ngayon ay mabilaukan at makagat sana niya ang kanyang dila. Nawa’y mahanap rin niya ang katapat niya, ang magpapaiyak at mananakit rin sa kanya.
Marami ka mang naiisip para sadyain na siya’y parusahan ng tadhana, pakiramdam mo na ikaw pa rin sa huli ang kawawa. Mahal mo eh!! Kahit sino naman siguro. Pagtaksilan ka? Halos tiim-bagang mong tititigan ang pangit niyang pagmumukha. Sabi nga nila, matatawa ka na lang, pagkatapos niyong maghiwalay doon mo lang marerealize na ang pangit pala niya. But truth hurts ganoon tayo pag nasaktan. Kahit sinong iniwan ay makakaisip ng masama.
Niloko ka? Dapat lang na magalit ka. Nasasaktan ka? Walang bayad ang pag-iyak. Isaisip mo ang unang sentence sa ikalawang paragraph. Now, did you enlighten up? Isipin mo lahat ng dapat mong iganti at iparusa sa kanya. Saka mo planuhin! Planuhing isulat lahat-lahat. Then throw it up on fire. Mas nakakagaan yon ng pakiramdam kesa isagawa mo ang lahat ng parusang nasa isip mo. Oo masaya ka pagkatapos mong gawin lahat ng ito. Ang sarap sa pakiramdam na itapon lahat ng masasakit na ala-ala. At tuluyan kang magising sa katotohanan na hindi na siya babalik kailanman. Pero paano kinabukasan? Okay ka pa rin ba? Masaya ka pa rin ba? Baka heto ka na naman magmukmok at halos umiyak ng gatimba dahil maaalala mo na naman siya. Pero okay lang yan, ganyan talaga sa simula, ngayon gawin mo na ang ikalawang plano mo, gawin mo yung alam mong magpapagaan ng loob mo. Maaari mong ibalik ang mga gamit niya na naiwan sa iyo. Yung couple shirt na regalo niya sayo nung monthsary niyo. Yung bulaklak na tuyot na inipit mo sa pagitan ng paborito mong libro. Ultimo yung pinagbalatan ng kendi na una niyang inabot sayo yung kasalukuyang nanliligaw pa siya sayo na halos tinago tago mo sa wallet mo.
After you throw it back to his face, smirk and flip your hair saying that you are thankful to return those things. Konting relief ibig sabihin it was only a part of the process. The big part will be from you. Ano na nga ba ang gagawin mo for yourself? To become a new you after the break up. Gaano pa rin naman sa dati, magmamahal ka ng tapat at ibibigay mo ang lahat, but put it a little spice of maturity. Ipakita mo sa lahat na hindi ka na basta-basta masasaktang muli at ipakita mong hindi na nila pwedeng gawin ang lokohin at saktan ka na hindi ka lumalaban para sa sarili mo. Try to focus on things that might keep you busy, ilaan mo ang panahon mo sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo. Sila! Sila ang tunay na nagmamahal sayo at kailanman ay mananatili sa tabi mo. Study hard! Forgive! Forget! and always welcome the day with a smile … that is better than revenge.