top of page

LITERARY

Bala! Bala!

Words: Khryzztine Joy S. Baylon

Sa isang tahimik na bayan

Sa di kalayuan

Pamilyang nagkakasiyahan

Sa munti nilang bakuran

 

Hindi nagtagal ang kasiyahan

Napalitan ng iyakan at sigawan

Mga taong nagmamakaawa

Sa isang mamang may kakaibang hawak.

 

Isang ina ang pumagitan

Sa away ng kanyang anak at ng mama

Pilit na niyakap ang anak

At walang balak na ito’y bitawan.

 

“My father is a Policeman”

Salitang huling binigkas

Na siyang pinanghugutan ng lakas

At ang gatilyo ng mama ay tuluyan ng inilabas.

 

Ang unang putok, sa isang inang nakayakap

Dahilan ng pagbitaw niya sa kanyang anak.

Isa pang putok ang umalingawngaw

At ang anak nito ang sumunod na humandusay.

bottom of page