LITERARY
Alaala ng nakaw na sandali
Words: Ma. Lonila V. Agaton
Naaalala kita sa hampas ng tunog na nagmumula sa may dalampasigan‬
Tayo ay nasa ilalim ng bughaw na kalangitan
Habang tayo ay nag lalaro sa may buhanginan
Tila’y napaka-sarap lahat balik-balikan
Sa pag bukang liwayway
Tayo’y mag kahawak-kamay
Sumasabay sa pag sayaw ng tubig alat
Minsa’y sinasalubong ang mga malalaking alon sa dagat
Ang sikat ng araw ay tirik na tirik na
Ngunit mas pinili natin lumusong sa gitna ng karagatan
Magkatalikuran sa lumang gulong na salbabida
Habang tayo ay nakababad sa may initan
Patuloy na sumisipa sa ilalim ang ating mga paa
Habang sinusulit ang bawat minutong kasama ang isa’t isa
Ni hindi natin alam kung saan tayo papunta
Siguro nga ang nasa isip na lang ay “bahala na”
Ayan na, andyan na ang paglubog ni haring araw
Na ang ibig iparating ay tapos na ang mga sandaling ninakaw
Paalis na, sa lugar kung saan ay inakala kong akin ka
Palayo sa mga alaalang nabuo na tanging ako na lang ang nakakaalala.